Friday, June 22, 2018

ADOBO

  Admin       Friday, June 22, 2018
ni: Mark Razel Martinez 

Naaalala mo pa ba ang sibuyas at bawang na ating ginisa, 
Sa mantika ng ating pagsasama? 
Naalala mo pa ba ang kawaling naging sisidlan ng pagkakaibigan? 
Alam mo, naririnig ko pa rin ang lakas ng pagtawa ng manok 
Nang isunod natin sila. Kailangan ba talagang lagyan ng suka? 
Bakit kailangan pang umasim ang lahat? 
Bakit kailangan pang tumahimik ang pagtawa? 
Kailangan ba talagang ipatak ang toyo? 
Bakit kailangan pang magbago ang lahat? 
Kasi ang dating maasim ngayon maalat pa. 
Ngayon bubuhos na ang asim 
Papatak na ang alat 
Wala na ang musika ng sandok at kawali 
na ang kwentuhan ng sibuyas at bawang 
Kailangan na lang antayin ang pagiyak ng mga dating tumatawa 
Sabi mo; Kailangan ang asim para sumarap 
Kailangan ang alat para malinamnam 
Pero bakit kailangang ding mapalitan ang saya 
Nang hirap at pagiyak 
Para masarap? Para masaya? Kumukulo na, 
Kumuha ka ng kutsara at tinikman 
Walang imik mong pinatay ang apoy at tinikman 
Unti-unti kang lumakad papalayo, 
Papuntang kabilang pinto, Pumasok... 
At muling nag-gisa ng sibuyas at bawang 
Muling gumawa ng panibagong kwentuhan 
Sa ibang kawali 
Sa ibang putahe.
logoblog

Thanks for reading ADOBO

Previous
« Prev Post

No comments:

Post a Comment