Friday, June 22, 2018

BUHAY ESTUDYANTE

  Admin       Friday, June 22, 2018
ni: Ian Paul P. Atienza

Buhay estudyante'y tunay na masaya 
Lalo pag kaklase'y iyong nakilala 
Iba't - ibang emosyon iyong madarama 
Maging kaibigan palaging makakasama 

Nakikinig sa guro upang matuto 
Mauupo kahit sa'n mang dako 
Dahil minsan ang mga itinuturo 
Sa utak ay tunay na malabo 

Mahirap man kung iisipin 
Pero ito ay wag mong mamadaliin 
Pagkat ang buhay ay wala sa aralin 
'Yan ay simula palang kung iyong tatapusin
logoblog

Thanks for reading BUHAY ESTUDYANTE

Previous
« Prev Post

2 comments: