Tuesday, June 19, 2018

OPEN LETTER NG PAG-IBIG

  Admin       Tuesday, June 19, 2018
ni: Lawrence Monsod 

Minsan bigla nalang kita maaalala kahit na saglit lang naman kita nakasama. Kasi hindi parin ako makapaniwala na yung akala kong hanggang pangarap lang mapapansin pala yung isang tulad ko lang. Dati tinitingnan lang kita sa malayuan. Hindi ko alam na pwede rin palang malapitan. Pwede rin palang magkatitigan. 

Akala ko hindi ka magkakagusto sakin kasi sino ba ko? Sino lang ba ako? Pero oo nagkatotoo. Paulit ulit man ako pero hindi ako magsasawang ipagmalaking nagkaroon ng salitang 'tayo'. Mabilis man yung pangyayari minahal kita. Oo minahal kita. Minahal mo rin ako diba? Hindi man tayo para sa isa’t isa. Hindi man tayo itinadhana. Masaya na ko na minsan kitang napasaya. Ganun ka rin sakin at sobra sobra pa. 

Pero hanggang dito lang siguro yung expiration date. 

Hindi ko na pwedeng iextend. Kung sa ibang oras lang. Kung sa ibang panahon .Kung sa ibang pagkakataon. Hindi na siguro kailangan matapos. Hindi na siguro kailangan magtapos ang meron tayo. 

Hindi na siguro kita muling titingnan sa malayo o itatanong sa isip kung mahal mo pa ba ko. Kasi sobrang daming tanong sa isipan ko. Maraming saan, ano, bakit paano? Paano kung hindi ako sumuko. Hindi ako sumuko sa magulo nating relasyon. 

Relasyon natin na parang problemang walang matinong solusyon. Oo paulit ulit lang ako. Parang pagmamahal ko. 

Parang puso ko. 

Puso ko na kahit anong ikot bumabalik parin sayo. Oo marahil mali. Mali na kahit matagal nang hindi ako ang dahilan ng iyong mga ngiti. Hindi ka parin maalis sa isip ko tuwing gabi. Sa bawat paglipat ng araw. 

Sa bawat paglipas ng oras. Paulit ulit kong naiisip bakit ang bilis. Ang bilis nawala ng ikaw at ako. 

Ang bilis naglaho. Ang bilis gumuho. 

Yung mga ala alang sabay nating itinayo. Pinipilit ko paring itago. Pinipilit kong buuin muli ang bawat piraso. Pero paano nga ba? Hindi ko na alam kung paano. 

Hindi ko na alam kung paano maaayos kung wala ka sa tabi ko. Tapos na to. Tapos na tapos na to. 

Sirang sira na hindi na mabubuo. Alam kong hindi na mabubuo yung tayo. Sana nga lang matutunan ko namang mabuo kahit sarili ko. Kahit sarili ko nalang. 

Kasi lahat binigay ko sayo, hindi ko alam. Hindi ko alam na sakin pala marami ng nagkulang. 

Hindi ko na alam kung nasaan. Nasaan? Kahit ilang mapa pa hindi ko na mahanap. Hindi ko na matagpuan. 

Oo, kasi niloloko ko lang ang sarili ko. Oo, kasi hinahanap ko yung ako. Yung sarili ko, yung bagay na bubuo, yung bagay na kulang sakin. Kulang na alam kong nasayo parin. Pwede mo na bang isoli? Pwede bang pakibalik? Pwede ko na bang kunin ulit? Yung puso ko, yung pag-ibig. 


Yung bagay na bubuo sakin. Pwede bang pakibalik? Para hindi na ko paulit-ulit. Para hindi na ko naiipit. Para mabawasan na yung sakit. Para malimutan ko na yung pait. Kasi pagod na pagod na ko. Alam ko. Alam mo. Pagod na kong mahalin ka ng ganito. Mahalin ka sa malayong malayo. 

Pagod na kong mag isip at magreklamo. Pagod na ko pero alam mong hindi yun ang dahilan kung bakit ako sumuko. Pagod na kong magmukhang masama sayo. Magmukhang masama sa ibang tao. Kasi ganun ba yon? Ganun ba ang batayan? Dahil ako ang naunang sumuko ng tuluyan, Ako na ang may kasalanan?Ako na yung nagkulang?Ako na yung hindi nasaktan? 

Mali. Alam mong mali. Alam mong hindi. Mahal kita mahal mo ko pero hindi ganun lang. Kulang. Kulang na kulang. 

Nakakapanghinayang.Maraming nasayang. Maraming masasayang. Dahil hindi mo kayang suklian ng buo. Hindi mo mapapantayan ang pagmamahal ko. 

Pinipilit kong ngumiti kahit na mayroon akong kahati. Sa bawat oras mo. Sa bawat sandali. Oo sandali. Sandali na lagi mong bukambibig sakin. Sa tuwing may kailangan kang unahin. Kailangan mong unahin siya. Unahin. Ang salitang masakit marinig kasi alam kong siya nga ang una kaysa akin. 

Siya yung una at tunay. Siya yung priyoridad. Ako naman yung taong naghihintay lang. Umaasa sa walang kasiguraduhan. Umaasang mamahalin mo ng buo. Umaasang magiging una sa puso mo. Dahil sabi mo mahal mo ko. Sabi mo wag akong sumuko. Kahit na binubulong na ng isip kong huminto. Pero pasensya ka na mahal. Kailangan ko ng ipreno. 

Kahit na alam ko. Kahit na ramdam kong tunay na mahal mo ko. Hindi siguro yun sapat para piliin mo ang tulad ko. Maaaring hindi? Dahil mali. Maaaring oo? Ewan ko. 

Hindi ako sigurado. Pero mabuting wag ko na malaman. Para wala ng masaktan. Para hindi ka na maguluhan. Kahit na umiiyak ka sa aking harapan, Patawad. Kahit na paulit ulit mong sinasabing wag kitang iwanan,Patawad. 

Kahit na patuloy mong pinaparamdam sakin ang pagmamahal, patawad. Dahil kung naiipit ka sa pagpipilian. Dahil kung patuloy ka lang mahihirapan. 

Ako na ang lalayo at magpapaalam.
logoblog

Thanks for reading OPEN LETTER NG PAG-IBIG

Previous
« Prev Post
Oldest
You are reading the latest post

No comments:

Post a Comment