Tuesday, June 19, 2018

AKING AMA

  Admin       Tuesday, June 19, 2018
ni: Ian Paul P. Atienza

Dakila't huwarang tunay 
Sa'min s'ya ang bumubuhay 
Upang magbigay ng kulay 
Sa mundo naming matamlay 

Sa t'wing siya'y nakikita 
Pagod ay 'di niya iniinda 
Kahit pa siya'y hirap na 
Tuloy lang hanggang umaga

Ikaw nga ay inspirasyon 
Mula noon hanggang ngayon
'Di ka nagsawang magpabaon 
Kahit ano ma'ng panahon

Pangako pong susuklian 
Iyong mga pinagpaguran 
Nang pangarap ay makamtan 
Ika'y palaging susundan
logoblog

Thanks for reading AKING AMA

Previous
« Prev Post

No comments:

Post a Comment