Elemento ng Tula
Sukat
Ito ay tumutukoy sa mga pantig ng bawat taludtod. Wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing- animin at lalabingwaluhing pantig ang karaniwang ginagamit sa mga tulang naiilathala. Cesura naman ang tawag sa paghahati ng mga ito sa gitna. Bahagyang pagtigil sa pagbasa at pagbigkas ang cesura upang maibigay ang hinihinging diwa sa bawat taludtod. Sa ating modernong panahon, ang karaniwang ginagamit na ay ang taludturan na kung tawagin ay malaya. Hindi ito gumagamit ng tradisyunal na uri ng tulang kung saan ay mayroong bilang ng sukat at tugma.
Tugma
Bawat huling salita sa bawat taludtod na nagbibigay kulay sa isang taludturan ay ang pagiging isang tunog ng mga ito. Ang pagkakasintunugan ng mga huling pantig ng bawat taludtod ay binabatay sa bilang at ayos ng pagkakatugma-tugma.
Mga Uri ng Tugma
I. Tugmang ganap- kung magkakatulad ang tunog, uri ng diin at palatuldikan ng huling pantig ng bawat salita.
Halimbawa:
Ang pag - ibig isipin mo
Pag inisip, nasa puso
Pag pinuso, nasa isip
Kaya't hindi mo makuro
II. Tugmang di- ganap- kung hindi magkakatulad ang huling pantig ng bawat salita gayundin ay hindi magkatulad ng diin at uri ng palatuldikan.
Halimbawa:
Nagbabalik mandi't parang hinahanap
Dito ang kahalong, masayang lumipas
A. Tugma sa patinig
a. Tugma sa patinig na malumay at mabilis
Halimbawa:
Pag- ibig anaki'y aking nakilala
'Di dapat palakihin ang bata sa saya
b. Tugma sa patinig na malumi at maragsa
Halimbawa:
Kapagka ang tao, sa saya'y nagawi
Minsa'y nalilimot ang wastong ugali ”
B. Tugma sa Katinig
a. Unang lipon - b, k, d, g, p, s, at t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad
b. Ikalawang lipon- l, m, n, ng, r, w at y
Halimbawa:
Sapupo ang noong kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw
Makabuluhang Diwa
Pagkakaroon ng malalim na kaisipan o makabuluhang diwa .
Nasa makabuluhang diwa ang mensahe ng tula. Nakapaloob dito ang talinghagang likha ng matalinong isipan, pagkukuro at guniguni ng makata.
Sining o Kariktan
Tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na salita. Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang maakit ang mambabasa gayundin ay mapukaw ang damdamin at kawilihan.
Talinghaga
Tumutukoy sa paggamit ng matalinghagang pananalita at mga tayutay (figure of speech). Magandang basahin ang tulang di tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito‟y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa natatagong kahulugan ng tula.
Banghay- Aralin sa Pagtuturo ng Tula
I. Layunin
Nakasaad sa bahaging ito ang mga kasanayan, kakayahan at kaalaman na inaasahan ng guro na matatamo ng mga mag- aaral sa pagtatapos ng aralin. Dapat na maayos ang pagkakalahad ng layunin batay sa pagkakasunod- sunod:
A. Cognitive Domain o Pangkaisipan
Halimbawa:
Nabibigyang- kahulugan ang mga piling salita sa tula na may malalalim na kahulugan.
B. Affective Domain o Pandamdamin
Halimbawa:
Nakapagbabahagi ng sariling karanasan, saloobin, paniniwala, kuro- kuro o ideya na may kaugnayan sa tula.
C. Psychomotor Domain o Kilos Halimbawa:
Naksusulat ng tula gamit ang iba‟t ibang element o nito.
Mga Dapat Mabatid Tungkol sa Tula
1. Ang tula ay may angking iwing katangian at kabuuan. Lumilikha ito ng sarili niyang daigdig.
2. Malaya ang makata na baguhin ang istruktura ng pangungusap, may lisensiya siyang gawin ito.
3. Gumagamit ang makata o tula ng sariling jargon o talasalitaan.
4. Isipin at unawain ang tula sa iba‟t ibang dimensiyon: biswal, pandinig, pandama, panl asa at iba pa.
5. Ang ganda ng tula ay napayayabong sa pamamagitan ng iba‟t ibang pagpapakahulugan.
Mga Patnubay sa Paggawa ng Tula
1. Pagganyak at pagpukaw sa marangal na damdamin. Ang pagpukaw ng marangal na damdamin ay nag- aangat sa pag- iisip tungo sa isang mataas na layunin at pagpapahalaga sa buhay.
2. Ang pagbibigay ng malikhaing guniguni. Kailangang Makita sa ating guniguniang mga larawang likha ng makata upang mapukaw an gating damdamin. Kailangang maantig ang lahat n gating pandama, paningin, pandinig, panlasa, pang- amoy at pakiramdam.
3. Ang pagkakaroon ng marangal na diwa. Kailangang taglayin ng tula ang marangal at makatotohanang paksa upang makapukaw ng magagandang damdamin at makaguhit ng larawan sa guniguni.
4. Ang pagtataglay ng tula ng isang magandang kaanyuan. Ito‟y nauukol sa pamamaran ng makata sa pagbuo ng ng kanyang tula. Ito‟y nauukol sa paggamit ng tugma, sukat, aliw- iw at mga piling- piling salita.
5. Mahahalagang tayutay. Ito‟y nauukol sa pananagisag (symbolism) ng makata, gaya ng pagwawangis (metaphor), pagtutulad (simile), pagtawag (apostrophe), pabaligho (paradox), padiwang- tao (personification) at marami pang iba. Napayayabong ang mga ito sa mga larawang diwa na siyang pumupukaw ng mga mararangal na damdamin ng mambabasa.
No comments:
Post a Comment