Friday, June 22, 2018

ORAS AT KARATULA

  Admin       Friday, June 22, 2018
ni: Mark Razel Martinez

Mamayang alas diyes
Bubuhos ang puting pulbos
Sa ilong papasok
Sa langit ang diretso

Mamayang alas diyes
Sisindihan ang mga dahon
Kakalat ang usok At babalutin ako ng tuwa na
may paltok

Doon may sirenang lumilipad,
Magtatawanan kami ng mga
Kabayo Tungkol sa mga 
Santo Papa de Mama 

Mga banal na p*ta 
Mamayang alas diyes
 May puputok 
Iiyak si nanay; tatawa ang aso 

Sasambulat ang langit at usok 
Iniwan nila akong mag-isa 
Mamayang alas diyes 
Kung kailan tulog sila 

Kasabay ng aking mga langit 
Mawawala ako at ang isang pagkakataong 
Ipinagkait nila 
Mamayang alas diyes 
Nasa kanto na ako ng bahay nyo 
Sa dibdib may karatula 
Ikaw nang bahalang humusga
logoblog

Thanks for reading ORAS AT KARATULA

Previous
« Prev Post

1 comment:

  1. Malalim ang ibig ipahiwatig ngunit nasa sa iyo kung paano mo ito iisipin :)

    ReplyDelete