Queen City of the South kung ito'y tawagin
Dahil sa mga tanawing walang kupas ang dating
Kaysarap puntahan at dito'y magliwaliw
Sulit na sulit at sadyang nakakaaliw
Mga gusali ay tunay na nakamamangha
Mapapaisip ka kung pa'no nga ba nalikha?
Halika na at tayo nang pumunta
Upang puso ay tunay na lumigaya
Magellan's Cross ay dito matatagpuan
Maging Cebu's Castle Church pwedeng pagmasdan
Busog na busog buo mong isipan
Dahil sa natural at tunay na kasaysayan
No comments:
Post a Comment