ni: Rain Dennise M. Lumucso
Nagkakilala sa di inaasahang pagkakataon
Tandang tanda ko pa kahit lumipas na ang mga panahon
Nagsimula sa dedmahan at 'di pagpapansinan
Sa dulo ba'y mauuwi rin sa pag-iibigang walang hangganan?
Oo nga't mga bata pa tayo noong mga panahong iyon
Mga estudyanteng dapat ay abala sa mga aralin at leksyon
Ngunit di malaman panong nagkalapit ang mga kalooban
Unti unti'y nagkaron ng mga kwentuhan at halakhakan
Hinihintay sa silid kapag oras na ng uwian
Upang iyong ihatid patungo sa sakayan
Sabi mo'y gustong masigurong makararating sa paroroonan
Ngunit itong ating pag-iibigan, mayroon din bang kahahantungan?
Puso'y nagagalak sa tuwing kasa-kasama ka
Presensya'y hinahanap hanap at ayaw na mawawala
Tila ba ako'y nasanay na nariyan ka
Ako nga ay sadyang napaibig mo na
Makalipas ang dalawang taon ay sinimulan ang relasyon
Kung kailan nagkakilanlan na sa tagal ng panahon
Puno ng ligaya at pag-ibig ang bawat sengundo
Hinihiling na oras ay huminto na sa pagtakbo
Tulad ng ibang relasyon ay mayroon ring mga pagsubok
Ilang beses na pagsasama'y sinubukang lagyan na ng tuldok
Ngunit mas pinanaig ang pagmamahal sa isa't isa
Sa piling mo ay hindi kakayaning mawalay pa
Lumipas na ang mga araw, buwan at taon
Ngunit pag-ibig ko sayo ay katulad pa rin noon
Bawat oras na kasama ka'y ayaw nang matapos
Walang hanggang panahon para sa akin ay kapos
Iyon ay kapos para sayo'y aking maipadama
Kung gaanong mahal kita at di gugustuhing mawala pa
Sana tayo'y habambuhay na ang laging dalangin sa Diyos Ama
Sapagkat para sakin ay ikaw na ang itinadhana
No comments:
Post a Comment