Ilang siglo at dekada man ang lumipas
Wika natin ay tunay na walang kakupas-kupas
Marami mang pagsubok ang mga dinanas
Mayabong pa rin noon, ngayon at kahit na bukas
Saan man magpunta ay palaging dalhin
'Yan ang laging isapuso at pakakaisipin
Sapagkat ito ang ibinigay sa atin
Upang makalaya't maging isa ang bansa natin
Sa'n man makarating ay nagkakaintindihan
At 'di nalilimutan ang bansang sinilangan
Kung saan nagsimula at naging tahanan
Ng bawat isa saan man ang pinagmulan
Minsan man ay sadyang nakalilimutan
Sapagkat tunay na maraming wikang dayuhan
Ngunit palaging sa araw-araw ay pakatatandaan
Na ikaw ay Pilipino at wikang Filipino ang iyong pinagmulan
Kahit anong mangyari at saan man magpunta
Kahit dayuhang wika ang ginagamit sa tuwina
Sana'y wag kalimutan ang minsan tayo'y pinalaya
Ito ang Filipino, ang nag-iisa lamang nating wika
No comments:
Post a Comment