ni: Ian Paul P. Atienza
Tunay ngang makapangyarihan ang papel at panulat
Sapagkat kayang pumatay ng walang dugong kumakalat
Tulad ng ginawa ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal
Naging matapang sa pagsulat at lumabang marangal
Sa pagdaan ng panahon wika'y tunay na mapagbago
Kung ito'y aalalahanin ay nag-iisa lamang sa mundo
Naging dominante man mga salitang mula sa transliterasyon
Mahalaga'y nagkakaunawaan at naipapakita bawat nating emosyon
Lumipas man ang mga araw wikang Filipino'y 'wag nating kalilimutan
Sapagkat dito tayo yumabong at naging isang lumalaban
'Ika nga ni Rizal, ang hindi marunong magmahal sa sariling wika
Ay daig pa ang hayop at ang malansang isda
Alalahanin natin na ito ang isa sa mga naging dahilan
Ating mga bayani ginamit itong isa sa kanilang katapangan
Ipagmalaki kahit saan man ang wikang Filipino
Dahil ito'y ating sandata iba't-iba man ang dayalekto
Ngayong buwan ng wika ating pakakaisipin
Nasan man sa mundo tayo'y may sariling atin
Na maipagmamalaki kahit na kanino
Ito ay ang ating wika, ang wikang Filipino
No comments:
Post a Comment