Monday, April 1, 2019

PILIPINAS, KARANGALA'T KALAYAAN MO'Y ISISIGAW

  Admin       Monday, April 1, 2019

 ni: Bb. Mariz Lizette Largo Adolfo 

Pilipinas, aking lupang sinilangan; 
Na sagana sa mga likas na yaman 
Lumaban at ipinagtanggol ang bansa 
ng ating mga bayaning tinuligsa

Alibata ang siyang unang alpabeto 
Na itinuro ng ating katutubo 
Sinakop tqyo at ginawang alipin 
ng Kastila, Amerikano at Hapon

Sina Gat Rizal at Andres Bonifacio 
Ay nagbuhis buhay at nagsakripisyo 
Sa mga mamamayan na dinaraya 
Lupang kinagisnan ay maging malaya

Takbo ng panahon may pabago-bago
Isipa't damdamin nga ay maglalaho 
Tulad ng wika ito ay nagbabago 
Kalauna'y linimot ito't binago

Tayo'y hindi mangmang sa sariling bayan 
'di para sa dugong bughaw ating yaman 
Bilin nang ninuno'y kayamana't dunong 
Na 'di mananakaw sa taong marunong

O Pilipinas, ang aking Inang Bayan 
Taas noo, ngayon at magpakailanman 
Kayumanggi ang kulay ko bayan'g giliw 
Karangala't kalayaan isisigaw

Ang ating sariling wika ang nagbigay ng 
Daan hindi lamang sa ating 
Pagkakaunawaan pati na sa ating 
Pagkakilanlan bilang isang mamamayang FILIPINO
logoblog

Thanks for reading PILIPINAS, KARANGALA'T KALAYAAN MO'Y ISISIGAW

Previous
« Prev Post

No comments:

Post a Comment