Saturday, April 11, 2020

FRONTLINERS, KUMUSTA NA

  Admin       Saturday, April 11, 2020
ni: Ian Paul P. Atienza

Kumusta na, sana'y maging matatag ka 
Kung kalooban mo'y bumabagsak, ang Pilipinas ay paano na 
Upang maibsan ay nakasalalay sa iyo ang pinagdaraanang sakuna 
Kaya't sa iyong tapang at dedikasyon, kami ay lubos na humahanga 

Ipagpatawad mo ang ibang mga kababayang hindi marunong umunawa 
Imbes ika'y pasalamatan masamang bagay kanila pang ginagawa 
Hindi ba nila alam na ikaw ang siyang tunay na dakila 
Haharapin ang kalaban kahit na hindi man nakikita 

Sa mga nars at doktor kami ay saludo sa inyo 
Hindi matutumbasan ang lahat ng hirap na ngayo'y pinagdaraanan n'yo 
Sakit man na kumakalat ay tunay na sadyang bago 
Ginagawa niyo lahat ng makakaya magamot lamang lahat ng dinapuang tao 

Marami na sa hanay n'yo ang nagbuwis ng buhay 
Sa tungkulin ay hindi tumalikod at buong pusong umalalay 
Ang pagtulong niyo ay wagas maisalba lamang ang buhay
 Pandemik na ito'y magwawakas ngunit kayo ay nakatatak sa aming isipan habambuhay 

Sa mga sundalo at pulis na patuloy na nagbabantay 
At hindi napapagod magpaalala lalo na sa mga pasaway 
Salamat sa inyong serbisyong hindi rin naman matatawaran 
Upang ang pandemik na ito ay tuluyan nang maibsan 

Lahat ng mamamayan kayo ngayon ang sandigan 
Kami'y nagtitiwala na covid 19 ay ating malalampasan 
Sa pagtutulungan maaabot natin ang kinabukasan 
Upang magbalik sa normal ang takbo ng bawat nating kabuhayan 

Bayanihan na likas sa mga Pilipino ngayon ay ating nakikita 
Sa panahon ngayon walang maliit o malaking tulong sa ating mga mata 
Nagbigay ka man o nanatili lamang sa loob ng iyong tahanan 
Ito'y malaking tulong na para sa frontliners at para sa bansang ating sinilangan 

Sa lahat ng frontliners, gabayan nawa kayo ng Poong maykapal 
Kami ay nakasuporta at palagi kayong ipagdarasal 
Na 'wag mahawa't bigyan kayo ng malakas na pangangatawan 
Upang ang liwanag ng bukas ay ating makamit at ang tagumpay ay sama-sama nating makamtan
logoblog

Thanks for reading FRONTLINERS, KUMUSTA NA

Newest
You are reading the newest post

No comments:

Post a Comment